Sen. Jinggoy nababahala sa China-Taiwan tension

Sen. Jinggoy nababahala sa China-Taiwan tension

Ni Liza Soriano

Sen. Jinggoy Estrada (News Keener courtesy)

MANILA — Nababahala diumano si Senador Jinggoy Estrada, chairman ng Senate Committee on National Defense, tungkol sa namumuong tensyon sa pagitan ng China at Taiwan, dahil maraming Pilipino ang nagtatrabaho at naninirahan sa dalawang bansa.

“The reported tension in the region is something to be concerned about,” ayon kay Estrada.

Nababahala rin ang senador dahil malapit ang Pilipinas sa Taiwan.

Sinabi ni Estrada na nababahala siya dahil maaaring lumala ang sitwasyon.

Naniniwala siya na ang anumang paghaharap sa pagitan ng dalawang malalaking kapangyarihan na bansa ay maaaring makasira para sa ekonomiya ng mundo, na patuloy pa rin sa epekto ng pandemya at krisis sa Ukraine.

“It is in our best interest to preserve and safeguard peace, and promote stability and security, with the help of our neighbors in Southeast Asia,” ani Estrada. (ai/mtvn)

Leave a Reply