Tapat sa trabaho: Parking guard ng ‘Munti’ ‘di nagpatinag sa ulan

Tapat sa trabaho: Parking guard ng ‘Munti’ ‘di nagpatinag sa ulan

Walang alisan. ‘Yan ang ginawa ng isang security guard sa City Hall ng Muntinlupa na kahit maulan tanging payong at upuan lamang ay ‘di nagpapatinag sa kanyang poste. Kung tutuusin ay pupwede naman sana s’yang sumilong pero mas pinili n’yang manatili sa kanyang duty post dahil ito raw ang kanyang trabaho.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang kalakhang Maynila ay makakaranas ng pabugso-bugsong pag-ulan at thunderstorm kaya’t payo nila, katulad sa security guard na narito, ay laging maghanda at magdala ng payong o kapote sa ngayon. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply