Clearing ops ng malalaking sanga ng puno isinagawa sa CalNatSci

Clearing ops ng malalaking sanga ng puno isinagawa sa CalNatSci

Bilang paghahanda sa darating na pasukan at maiwasan ang anumang aksidente, nagsagawa ng pagpuputol ng mga sanga sa tabi ng Caloocan National Science and Technology High School (CalNatSci) nitong Sabado (6 Aug 2022).

Ito’y pinangunahan ng School Head na si Priscila T. Catanauan, Partnership Coordinator Teacher Raj Nulada at Brigada Eskwela Coordinator Renante Marquez katuwang ang City Environmental Management Department (CEMD) bilang suporta sa ginaganap ngayong Brigada Eskwela ng DepEd (Implementing Guidelines DM_s2022_062).

Ang layon ng programa ay ang pagtutulungan ng mga mag-aaral, magulang, guro, komunidad at ng ibat-ibang sangay sa pamahalaan sa ikabubuti ng pagbubukas ng klase para sa lahat ng mga istudyante.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply