Sen. Imee Marcos positibo sa Covid

Sen. Imee Marcos positibo sa Covid

Ni Liza Soriano

MANILA — Positibo sa coronavirus (Covid -19) si Sen. Imee Marcos.

Ito’y kinumpirma ngayong Lunes ni Senate President Juan Miguel Zubiri habang ginaganap ang sesyon sa Senado.

SInabi ni Zubiri na hindi nakadalo sa sesyon si Sen. Marcos dahil nakaranas ito ng paglalagnat.

Binanggit pa ng mambabatas na hangad nito ang agarang paggaling ng senadora.

“Get well soon Sen.. Imee,” wika ni Sen. Zubiri.

“With 22 senators physically present and one senator virtually present, although Senator Imee Marcos, who for the record, had written to us that she has tested positive for Covid-19 is asking if she should still have to go on cam because she has “raging fever.”

Tinanggap naman ng kapulungan ang virtual attendance ni Sen. Imee.

Nauna rito, ay nagpositibo rin sa Covid si Senador Alan Peter Cayetano.

(ai/mtvn)

Leave a Reply