Technician tiklo sa drug sting sa Litex Rd, QC

Technician tiklo sa drug sting sa Litex Rd, QC

MANILA — Tiklo ang isang binatang technician sa ikinasang anti-drug buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region Quezon City Drug Operations at QCPD PS-6 sa pangunguna ni Station Commander PLTCol Abraham Abayari.

Ang naturang buy-bust operation ay isinagawa ng alas-8 ng gabi nitong Linggo (Agosto 7) sa 454 Litext Road Barangay Commonwealth, Quezon City

Batay sa report ng mga operatiba, kinilala ang naarestong drug personality na si RUDY ANCHETA, binata, 39-anyos, technician at residente sa nabanggit na address.

Nakumpiska sa suspect ang 500 grams ng umano’y shabu na may street value na P3.4 million, ang marked money at isang cellphone bilang ebidensiya.

Si Ancheta ay dati na ring nakulong sa kasong gun running at umamin na gumagamit din siya ng droga at minsan ay naging runner na rin siya ng droga at binabayaran lang ng P300.

Paglabag sa Section 5 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 ang isasampang kaso laban sa suspek. (Val Leonardo/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply