PICC naghigpit sa health protocol vs Covid-19 sa mga nagsipagtapos ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa

PICC naghigpit sa health protocol vs Covid-19 sa mga nagsipagtapos ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa

Doble ang pag-iingat na isinasagawa ng mga security personnel ng Philippine International Convention Center (PICC) ngayong umaga (August 11, 2022), kung saan ang lahat ng papasok na estudyanteng magsisipagtapos kasama ng kani-kanilang magulang ay kailangang sumunod sa health protocol sa Covid-19 na ipinatutupad ng PICC.

Ang mga magsisipagtapos ay mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa 27th Commencement Exercises of the Graduating Class of 2022, “Future-Taking Flight” a journey born out of dreams, perseverance, and resiliency.

Wala namang anumang negatibong reaksiyon ang mga magulang sa paghihigpit ng security personnel, malugod at masaya naman nila itong tinanggap. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply