3 cyber scammers na nakadale ng P1.4-M timbog sa San Pedro City, Laguna

3 cyber scammers na nakadale ng P1.4-M timbog sa San Pedro City, Laguna

MANILA — Nakangiti pa ang suspect na si Gladys Rias Francisco (47) kasama ang dalawang Nigerian nationals na sina Samuel Nomso Esomchi (42) at Taye John Bamidele (40) nang maaresto sa pinagsanib puwersang operasyon ng San Pedro Police, Cavite Provincial Intelligence Unit (PIU), at ng Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) nitong Biyernes (12 Aug 2022).

Nadakma sa Barangay Nueva, San Pedro City, Laguna ang una at sa may Petron gasoline station naman ang dalawang dayuhan sa nasabi ring barangay.

Ang tatlong suspect ay nakakulimbat na umano ng ₱1.4 milyon at nagtangka pang manloko at sumubok na makapag-withdraw sa bangko ng ₱400,000.00 subalit pinagdudahan ng mga bangko gamit ang na-hack na account ng isa nilang kliyente.

Nahaharap ngayon sa kasong, computer-related fraud (violation of Cybercrime Prevention Act of 2012), Article 315 (Swindling / Estafa) at ng Sec 6 ng RA 10175 ang mga suspek.

“I personally commend our police in San Pedro City and the other operating units for this successful operation. I also commend the personnel of China Bank as well for their immediate action in coordinating with us which led to the arrest of these suspects,” wika ni PCol Ison Jr.

“Hindi natin hahayaan na maging pugad ng krimen, online man o hindi, ang ating area of responsibility. Natutuwa po tayo na ang komunidad, public and private companies or agencies ay nakikiisa at nakikibahagi rin sa responsibilidad na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating komunidad,” wika naman ni PBGen Antonio C Yarra, Regional Director, PRO CALABARZON.

Hinikayat din ni Yarra ang publiko na maging mapagmatyag at iwasang magbigay ng mga personal information sa mga taong kaduda-duda ang personalidad.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply