Barangay Tugatog sa Malabon tumanggap ng ayuda

Barangay Tugatog sa Malabon tumanggap ng ayuda

Umabot sa 450 benepisyaryo ang nabiyayaan ng ayuda kahapon (Sabado) na galing sa Malabon Police Station-Tugatog Sub-Station 2 sa pakikipagtulungan ng Valenzuela City Masonic Lodge No. 466 at ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval.

Ang ipinamigay na ayuda ay naglalaman ng food items, mga gamot at libreng konsultasyon na ipinagkaloob sa mga taga-Barangay Tugatog ng naturang lungsod. (Aj Rabulan/ai/mtvn)

Leave a Reply