Droga hinihinalang dahilan sa paglikida sa isang ginang sa Malabon

Droga hinihinalang dahilan sa paglikida sa isang ginang sa Malabon

DUGUANG bumagsak ang isang wala nang buhay na ginang matapos barilin sa ulo ng hindi pa tukoy na salarin na mabilis na nakatakas.

Inutas umano ang biktimang si Jenifer Dacoco Pinlac, 41, habang ito ay nakaupo sa labas ng kanilang bahay sa Flovi Homes, Phase 3, Letre, Barangay Tonsuya, lungsod ng Malabon nitong Sabado.

Samantala, inipon naman ng mga operatiba ng Scene of the Crime
Operatives (SOCO) ang lahat ng naiwang ebidensiya sa pinangyarihan ng
insidente upang masuri gaya ng basyo ng baril at dalawang (2) piraso ng transparent
plastic sachet ng shabu na hinihinalang dahilan sa pamamaril. (Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply