GOOD JOB MAYNILAD! Mala-sapang tagas ng tubig sa daan inaksyunan na!

GOOD JOB MAYNILAD! Mala-sapang tagas ng tubig sa daan inaksyunan na!

Binalikan ni Maharlika TV News roving photojournalist Peter Lacang ang bahaging ito (nasa larawan) ng General Luis Novaliches, Quezon City ngayong araw (Linggo, 14 August 2022) matapos mailathala sa MTVN ang baha sa naturang lugar na galing sa busted pipe ng Maynilad noong July 31, 2022.

Aniya, “salamat at nakita nating wala na ang tagas at mala-sapang tubig ng Maynilad dahil sa mabilis na aksyong ito ng water concessionaire na nagdulot ng malaking ginhawa sa mga residente at mga motoristang napapagawi rito bukod sa pagsalba sa nasasayang na tubig.”

Kaya naman paabot ng isang motorcycle rider na madalas mapadaan dito: “saludo kami sa mga tauhan ng Maynilad sa mabilis na aksyong ito.” (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply