OPS umapela ng makatarungang sahod para sa state media

OPS umapela ng makatarungang sahod para sa state media

Ni Liezel Soriano

MANILA — Umapela ng karagdagang pondo ang Office of the Press Secretary para sa state-run media para mabigyan ng makatarungan at “makatao” na suweldo ang kanilang mga manggagawa.

Sa pagdinig ng komite ng Senado noong Lunes tungkol sa pampublikong impormasyon at mass media, inamin ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang suweldo ng mga nagtatrabaho sa media ng gobyerno ay “napakababa sa pamantayan ng industriya.”

Binanggit niya ang suweldo ng mga manggagawa sa People’s Television Network o PTV 4.

“Ang budget ng PTV nanggagaling sa GAA (General Appropriation Act) bukod po sa nabebenta natin sa advertising,” paliwanag niya.

“In other words, I will turn this into a plea na sana po ay madagdagan ng budget ang ating mga estasyon lalong lalo na po ang PTV4,” dagdag pa niya.

Ayon sa Press Secretary, naisip nila ang PTV4 bilang pangunahing channel para sa mga balita at impormasyon, sa gayon, ang pangangailangan na higit pang pagbutihin ang mga serbisyo nito.

Ngunit sinabi ni Cruz-Angeles: “Even if weren’t aiming to be the primary channel for news, para ano lang, just to be humane na mabigyan po ng nararapat na sweldo at least man lang iabot natin sa industry or government standards.” (ai/mtvn)

Leave a Reply