Sandamakmak na mga motor nasakote sa illegal parking ops ng MTPB

Sandamakmak na mga motor nasakote sa illegal parking ops ng MTPB

Nagsagawa ng operasyon ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa mga motorsiklong iligal na nakaparada sa harap mismo ng Manila City Hall dahil sa kabila ng mga nakalagay na karatulang “No Parking at Clamping” ay sandamakmak pa rin ang mga nakaparada kaya hinakot ang mga ito.

Ang naturang operasyon ay alinsunod sa ipinatutupad ng pamahalaang lungsod ng Maynila Executive Order No. 15 Series of 2022 na nagsasaad sa “no parking, no vending policy” sa lahat ng kalsada, boulevards, lansangan at eskinita sa nasabing lungsod. (Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply