Suspek sa kasong online sexual exploitation ng minor arestado sa Bulacan

Suspek sa kasong online sexual exploitation ng minor arestado sa Bulacan

Pupungas-pungas at wala nang nagawa pa ang suspect na si Arnesto Perualila Bulan (29) sa kasong online sexual exploitation of minor kundi sumunod sa mga arresting enforcers sa pangunguna ni PLt Reynaldo B. Bayan Jr.

Inilunsad ang operasyon sa utos ni PLtCol Cresenciano B. Cordero, Chief of Police ng San Jose Del Monte Bulacan, Regional Anti Cybercrime Police Office sa pangunguna ni PLt. Tirso D. Manoli kasama ang Social Welfare and Development Office (CSWDO), Women and Children’s Protection Desk (WCPD) at ng Human Rights Affair Office (HRAO).

Dinakip ang suspek dahil sa reklamo ng tatay ng grade school student at isinagawa na nga ang operation Online Sexual Exploitation on Children (OSEC) na naging resulta sa pagkaka-aresto ng suspek kamakalawa ng madaling araw sa Brgy. Sta. Cruz 5, San Jose City, Del Monte, Bulacan.

Samantala, ibinigay naman sa pangangalaga ng CSDWO ang biktimang elementary school pupil at karampatang kaso ang inihanda at isasampa ng City Prosecutors Office laban sa suspect na gamit ang iba’t-ibang aliases.

Kasong Anti-Trafficking in Person (RA 10364), Rape and Cyber Crime (RA 10175) in relation to Violation of RA 7610 ang mga asuntong kakaharapin ng suspek ayon pa sa pulis. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply