SRA administrator nagbitiw sa pwesto

SRA administrator nagbitiw sa pwesto

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Nagbitiw sa kanyang pwesto bilang administrator ng Sugar Regulatory Administration (SRA) si Hermenegildo Serafica.

Isa si Serafica sa mga lumagda sa order ng pag-import ng asukal na kinansela ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang liham na may petsang Agosto 13, sinabi ni Executive Secretary Vic Rodriguez kay Serafica na ang kanyang pagbibitiw ay tinanggap na ni Marcos Jr.

Si Serafica ang ikatlong pumirma sa kontrobersyal na Sugar Order No. 4 na nagbitiw sa kanyang puwesto, matapos ituring ng Malacañang na ‘ilegal’ ang nasabing resolusyon na umano’y nag-utos sa pag-aangkat ng 300,000 metric tons ng asukal.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na hindi nila alam na ang order ay na-upload sa website ng SRA.

Si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, na kinilala ng Palasyo bilang ang nag-apruba sa utos sa ngalan ni Marcos, ang unang nagbitiw matapos kilalanin ang kanyang mga pagkakamali. (ai/mtvn)

Leave a Reply