Tulfo: Unahin ang mga big-time smugglers galugarin keysa sa vloggers, online sellers

Tulfo: Unahin ang mga big-time smugglers galugarin keysa sa vloggers, online sellers

Ni Liza Soriano

MANILA — Sa halip na mga vlogger at online sellers ang target, hinimok ni Senator Raffy Tulfo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na tutukan ang mga bigtime smugglers ng bansa.

Ito ang pahayag ni Tulfo kasunod ng mga reklamo ng isang vlogger at isang online seller na bumisita sa kanilang mga tahanan ang ilang ahente mula sa ahensya at kumatok sa kanilang mga pintuan upang magtanong tungkol sa kanilang mga pagbabayad ng buwis.

Iginiit ni Tulfo na kung talagang gusto ng gobyerno na mangolekta ng seryosong pera sa pamamagitan ng pagbubuwis, dapat ay nakatuon ang pansin nito sa malalaking isda, tulad ng bigtime oil smugglers.

“Bakit di nila unahing habulin ang mga bigtime oil smugglers na limpak-limpak na pera ang pwede nilang makolekta kumpara sa mga vloggers at individual online sellers na alam naman nilang barya-barya lamang ang makokolekta nila?” ani Tulfo.

Bagama’t kinikilala niya na ang mga Pilipinong kumikita ay dapat magbayad ng kaukulang buwis gaya ng nakasaad sa batas, naninindigan si Tulfo na “dapat malaman ng gobyerno ang kanilang mga priyoridad kung ang kanilang intensyon ay i-maximize ang kita ng estado sa pamamagitan ng pagbubuwis.”

Ipinunto ni Tulfo, Chairperson ng Senate Committee on Energy, na bilyon-bilyong piso ang makokolekta taun-taon kung gagawin lamang ng maayos ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang trabaho sa pagpigil sa oil smuggling. (ai/mtvn)

Leave a Reply