Marcos posibleng sa Indonesia o Singapore bibisita

Marcos posibleng sa Indonesia o Singapore bibisita

Ni Liezelle Soriano

MANILA — May posibilidad na bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Indonesia o Singapore para sa kanyang unang overseas trip bilang pinuno ng bansa ayon sa isang diplomat nitong Martes.

Ito ay alinsunod sa tradisyon ng mga pangulo ng Pilipinas na pumili ng alinmang bansa sa Timog Silangang Asya para sa kanilang mga unang paglalakbay sa ibang bansa.

Sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez ang planong pagbisita ay mauuna sa posibleng pagpunta ni Marcos sa United States para sa kanyang pagdalo sa United Nations’ General Assembly (UNGA).

“Ang proposed visits niya, uunahin niya yung Indonesia sana. The President is looking at his schedule kung saan siya makakapunta but definitely it will before he goes to New York,” ani Romualdez.

Posibleng piliin ang Singapore dahil sa imbitasyon kay Marcos na magsagawa ng state visit.

“‘Yang dalawang bayan na ‘yan is already on the table at pinaplano na lang ng DFA kung ano yung appropriate time for him to be able to visit these two ASEAN countries,” ani Romualdez. (ai/mtvn)

Leave a Reply