Mga proyekto ng bagong NCRPO chief ibinahagi sa Press Corps presser

Mga proyekto ng bagong NCRPO chief ibinahagi sa Press Corps presser

Nagpatawag ng isang press conference ang bagong hepe ng National Capital Region Police Office na si PBGeneral Jonnel C. Estomo sa mga miyembro ng NCRPO Press Corps upang sila’y makadaupang-palad at ipahayag ang kanyang mga proyektong ipatutupad sa NCRPO sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Binanggit ng general ang unification ng kapulisan at lahat ng mga mamamahayag na iisa lang naman ang layunin para sa ikabubuti ng mamamayan.

Idinagdag pa niya na kabilang din sa kanyang mga plano ay ang pagpapaigting ng police visibility sa pamamagitan ng motorcycle patrol para maging mabilis ang pagresponde ng mga ito sakaling may nangyayaring krimen.

Ipinahayag din ng general ang suporta nito sa lahat ng nasa media.
(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply