‘Bawal sabit, ngunit bakit…?’

‘Bawal sabit, ngunit bakit…?’

Walang takot ang mga batang ito na nakasabit sa likuran ng pampasaherong jeep na ito sa kahabaan ng National Road, Muntinlupa City na tila baga para sa kanila ay isang laro lamang at ‘di alintana ang peligrong maaaring sasapitin nila.

Ayon sa batas, bawal ang pagsabit ng mga pasahero at may kaukulang multa ang sinumang lumalabag na driver sa pagpapabaya o pagpapahintulot nito.

Pero tanong ng isang rider, ang mga magulang kaya ng mga bata narito ay maaari rin bang papanagutin sa pagpapabaya ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak tulad ng ginagawa nilang ito sa pagsabit-sabit sa mga sasakyan?

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply