Mga nanay, seniors ng Muntinlupa nasiyahan sa ‘kabuhayan’ training

Mga nanay, seniors ng Muntinlupa nasiyahan sa ‘kabuhayan’ training

Halos ‘di magka-mayaw sa kasiyahan ang 60 na mga nanay at seniors mula sa grupo ng “Nagkakaisang Kababaihan ng Bilibid Association, Pasco Producers Cooperative (Pasco Muntinlupa) at ng Samahan ng Nagkakaisang Nanay ng Alabang” nang sila ay pagkalooban ng ikabubuhay sa pamamagitan ng Livelihood Skills Training on Liquid and Bar Shampoo Making ng City Government of Muntinlupa Gender and Development Office sa pamumuno ni Division Chief Charito A. Cadorna at ni Acting Head Mr. Reggie V. Salonga ng Gender and Development Office (GAD) at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Itinuro sa kanila ang pagsasagawa, pagpaplano at kung papano ito i-market bukod sa panimulang sangkap na mga chemical sa paggawa o starter kit. Suportado naman ni Mayor Ruffy Biazon ang programang ito ng department na isa sa 7K agenda na pangkabuhayan sa kanilang mga nanay at senior na.
(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply