‘Hoy! Gising!’

‘Hoy! Gising!’

Ito na marahil ang nararapat na panawagan ng taumbayan sa gobyerno, lalo na kay Sec. Erwin Tulfo ng Department of Social Welfare and Development upang masawata ang human trafficking na ito gamit ang mga katutubong Badjao ng ilang mga mapagsamantalang tao na nagmamantina sa kanila sa pamamalimos.

Halos nakasanayan na silang pangitain sa mga lansangan sa Metro Manila at karatig-probinsya na biglang sasakay sa jeep, mamalimos sa loob, sasabit, lulundag, at kapag napagod na, inaabot ng tirik ng araw sila sa kung saan nila magustuhang magpalipas ng gabi gaya ng nasa featured images na narito sa gilid ng saradong hardware sa Quirino highway, Brgy. Talipapa Quezon City.

Sabi ng isang napadaang motorcycle rider, sana magawan sila ng aksyon ng DSWD sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Tulfo para matulungan silang ihango sila sa mga lansangan at sana’y madala pabalik sa kanilang tinubuang lugar.

Tanong: Papayag kaya ang mga operator nila?

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply