‘TUPAD na dagdag kitang pangarap’

‘TUPAD na dagdag kitang pangarap’

PUWEDE nang i-harvest. Hawak-hawak kaninang umaga (Biyernes, 19 Aug 2022) ng isang nanay ang isang letucce na tanim nila sa Muntinlupa City Technical Institute (MCTI) bilang panimula sa kanilang gagawing pag-ani sa kanilang gulayan.

Si nanay ay isang solo parent na kasama sa 172 na mga nanay, senior citizens at PWDs pati na mga LGBTs na tinulungan ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa para magakaroon ng dagdag kita at trabaho sa pamamagitan ng programang “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage Displaced Workers (TUPAD)” ng Department of Labor and Employment.

Dahil sa Tupad, sila ay pansamantalang may hanapbuhay sa loob ng 10 araw sa ilalim ng programang inilunsad ng Public Employment Services Office (PESO) at Gender and Development Office (GAD) ng lokal  na pamahalaan ng Muntinlupa. (Peter M. Lacang/ai/mtvn)

Leave a Reply