DSWD dinagsa ng mga magulang, estudyante sa unang araw ng distribusyon ng educational cash assistance

DSWD dinagsa ng mga magulang, estudyante sa unang araw ng distribusyon ng educational cash assistance

Dinagsa ng mga kabataan at mga nanay ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Batasan Hills, Quezon City umaga ng Sabado sa paghahangad na maunang makatanggap ng tulong pinansyal pang-edukasyon mula sa ahensya.

Nabigyan naman ng tulong pinansyal ang lahat ng naka-schedule o nakatanggap ng text messages nitong nakalipas na Miyerkules (17 Aug 2022) mula sa ahensya na pinamumunuan ni Sec. Erwin Tulfo.

Pinayuhan ng kalihim ang mga pumuntang hindi naka-schedule nitong Sabado (20 August 2022) na mag-fill up muna ng form sa ibinigay nilang QR Code at hintayin ang text messages para sa kanilang schedule at sa maayos na distribusyon ng cash assistance hindi kagaya ng nangyari umaga ng Sabado.

Tiniyak din ng kalihim na makakatanggap ang lahat at humingi ng paumanhin sa mga naroon na hindi pa muna nakatanggap. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply