Necrological service, funeral honors iginawad sa pumanaw na forensic pulis

Necrological service, funeral honors iginawad sa pumanaw na forensic pulis

Ginawaran ng Necrological Service at Funeral Honors ng mga kapulisan si Patrolman Saturnino Leonardo Delupio (31) na nakatalaga sa Philippine National Police Forensic Team sa Kampo Crame sa kanyang naiambag na kabutihan at kabayanihan habang ginagampanan ang sinumpaang tungkulin, ‘To Serve and Protect’ habang s’ya ay isang pulis.

Laking panghihinayang naman ng pamunuan ng kapulisan sa kanyang biglaang pagpanaw. Nagpa-abot naman ng tulong sa naulilang asawa ng yumao at dalawang maliliit pang anak.

Ayon sa kwento ng kanyàng tiyuhing saksi sa lahat ng pangyayari, galing diumano sa duty si Delupio at pagkauwi ay inatake raw ito sa puso at dineklarang dead on arrival na nang dalhin siya sa hospital.

Bago siya atakihin, wala naman daw itong iniindang sakit sa kanyang katawan maliban sa madalas daw itong uminom na kilalang energy drinks.
(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply