Mga magulang, estudyante excited sa unang araw ng F2F classes; kapulisan umalalay sa muling pagbubukas ng klase

Mga magulang, estudyante excited sa unang araw ng F2F classes; kapulisan umalalay sa muling pagbubukas ng klase

Todo asiste ang kapulisan, security guard at mga guro sa mga batang estudyante sa pagbubukas ng klase ngayong umaga ng Lunes (22 August 2022) sa Bayanan Elementary School, Muntinlupa City.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon makalipas ang dalawang taon na may face-to-face classes dahil sa pandemyang dulot ng Covid-19.

At sa muling pagbubukas ng F2F classes ay excited na nagtulong-tulong ang bawat ahensya ng Muntinlupa City, gayundin ang iba pang local government units sa kapuluan para sa seguridad at kaligtasan ng mga bata.

Maging ang mga magulang ay masayang sinalubong ang unang araw ng muling pagpasok ng kani-kanilang mga anak.

Sabi pa ng isang nanay, iba pa rin talaga ang klase sa paaralan kumpara sa bahay na nakaharap sa monitor ng computer ang kanilang mga anak.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply