NCAP sususpindehin na ng MMDA sa public transport; LGUs dapat na ring sumunod

NCAP sususpindehin na ng MMDA sa public transport; LGUs dapat na ring sumunod

Hiniling ng DOTr (Department of Transportation) at LTFRB (Land Transportation and Franchising Board) sa Metro Manila Commission na kung maaari ay suspendihin muna ang NCAP apprehension sa mga public transport upang matugunan ng mga operator ang pangangailangan ng mga pasahero sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Pumayag agad ang MMDA. Pero ang limang NCAP mayors ay walang say dito.

Nauna na kasi ang pahayag nila na wala silang balak ipasuspinde ang kanilang panghuhuli kahit isang katutak na ang reklamo sa pagpapatupad ng kanilang NCAP.

Malaking tulong ang ginawa ng LTFRB, DOTr at MMDA. Dama nila ang kalbaryo ng public trsnsport at mga pasahero. Sana ay sumunod ang limang NCAP mayors sa MMDA.

Marahil ay mainam na rin na pumasok ang DILG sa usapin at kumbinsihin ang mga NCAP mayors na tularan ang ginawa ng MMDA. Kailangan ng ganitong klaseng suporta ang public trsnsport sa panahong ito na balik eskwela na ang libu-libong mag-aaral. Aabangan natin ang mga NCAP mayors sa kanilang tugon dito.

Sa ngayon ay nagpapasalamat ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa pamunuan ng DOTr, LTFRB at MMDA sa kanilang desisyon. (ai/mtvn)

Leave a Reply