P173.4-M halaga ng shabu timbog sa QC anti-drug buy-bust ops

P173.4-M halaga ng shabu timbog sa QC anti-drug buy-bust ops

Wala nang magawa kundi yumuko na lamang ang suspek na si Rodgene Umali Uno (36) na tubong Zamboanga at kasalukuyang nakatira sa Block 2, Lot2 Mabuhay Village Mamatid, Laguna matapos maaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District Drug Enforcement Unit (QCPD DEU) sa isang anti-drug ops.

Pinangunahan ni PLt Roland A. Vergara ang matagumpay na operasyon kasama ang Philippine National Police Drug Enforcement Group Special Operation Unit National Capital Region (PNP DEG SOUNCR), Regional Intelligence Division-National Capital Region Police Office (RID NCRPO), Regional Drug Enforcement Unit National Capital Region (RDEU NCR) at ang Police Station 2 Quezon City Police District (PS-2 QCPD) at koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Isinagawa ang anti-drug buy-bust ops sa #267 Roosevelt Avenue, Barangay San Antonio, Quezon City bandang alas-6:30 ng umaga.

Nakuha sa suspect ang isang pirasong plastic sachet na pinaghihinalaang shabu ang laman at 25 na pirasong vacuum-sealed color green tea bags na naglalaman din diumano ng shabu bawat isa.

Ayon sa mga operatiba, nagkakahalaga diumano sa merkado ang naturang dami ng shabu ng P173,400,000.

Ang suspect ay nasa kostodiya na ngayon ng Quezon City Police District at nahaharap sa kasong paglabag ng Art. II of R.A. 9165, Sec. 5 at Sec. 11.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply