1,500 taga-Muntinlupa nabigyan ng hanapbuhay sa ilalim ng ‘Cash For Work Program’ ng DSWD

1,500 taga-Muntinlupa nabigyan ng hanapbuhay sa ilalim ng ‘Cash For Work Program’ ng DSWD

Umabot sa halos 1,500 beneficiaries na mga taga-Muntinlupa ang nakinabang sa Cash For Work Program (CFWP) ng Department of Social Welfare-National Capital Region katuwang ang opisina ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon para sa mga walang trabaho sa lungsod.

Sampung araw na trabaho sa pamamagitan ng paglilinis ng kanal, ilog at pagtatanim sa paligid o urban gardening ang gagawin ng mga benificiaries ng naturang programa na suportado rin ng Social Service Department (SSD) sa pamumuno ni Analyn Mercado, Engineering Department, Community Affairs and Development Office (CADO), Department Of Agriculture Extension Services Office, City Security Office (CSO), Ayala South Park sa libreng pagpapagamit ng pasilidad at sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinanggalingan ng sasahurin ng mga beneficiaries.

Ang tanging requirements sa CFWP ay walang kapansanan, walang sakit at may edad 18 hanggang 59.

Makatatanggap ang mga benepisyaryo ng ₱537 kada-araw o ₱5,370 sa loob ng 10 araw.

Ang programang ito ay nakapaloob sa 7K agenda ng alkalde, partikular na ang ‘Kabuhayan, Kalusugan, Karunungan, Katarungan, Kaunlaran, Kalikasan at Kapayapaan/Kaayusan. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply