Insidente ng rape, kidnapping sa bansa pinaiimbestigahan ni Revilla

Insidente ng rape, kidnapping sa bansa pinaiimbestigahan ni Revilla

Ni Liza Soriano

MANILA — Pinaaaksyunan ni Senador Bong Revilla sa Philippine National Police (PNP) ang umano’y nangyayaring talamak na rape at kidnapping sa bansa.

Nais ng Senador na imbestigahan ang nasabing ulat na nagdudulot ng takot sa mamamayan.

Sa isang liham kay PNP chief Rodolfo Azurin Jr. nitong Biyernes, hinimok ni Revilla ang PNP na i-verify ang mga ulat na kumakalat sa social media tungkol sa umano’y lumalaking bilang ng kaso ng pagdukot sa mga menor de edad na bata, karamihan ay babae.

“I urge the PNP to seriously look into these posts that have been widely shared on social media, starting to cause widespread panic and fear,” ani Revilla sa liham.

“I likewise urge the police force to investigate similar reports involving rape and sexual assault of hapless women,” dagdag pa niya.

Mula nang bumalik ang face-to-face classes, maraming magulang ang nakipag-ugnayan sa tanggapan ng senador para magpahayag ng pagkabahala sa kaligtasan ng kanilang mga anak.

“We must be certain as to the truth or falsity of these reports,” ani Revilla. “We must allay the fears of our people and get to the root of these reports.”

Samantala, sakaling mapatunayang hindi totoo o fabricated ang mga ulat na ito, sinabi ni Revilla na kailangang panagutin ang sinumang nasa likod nito.

“If there is truth to these reports, then we must waste no time in apprehending the perpetrators,” ani Revilla.

“We must ensure that no unnecessary worry is spread among the public as we guarantee the safety of the people.” (ai/mtvn)

Leave a Reply