Mini-job fair ng Malabon naging maayos, matagumpay

Mini-job fair ng Malabon naging maayos, matagumpay

NAGING maayos at matagumpay ang isinagawang Mini-Job Fair ng lungsod Malabon sa San Exequiel Moreno Parish katuwang ang Malabon City-PESO, sa okasyon ng pagdiriwang ng Pista ni San Exequiel Moreno nitong Biyernes.

Layun ng mini-job fair ay makapagbigay ng kapasidad at oportunidad sa mga mamamayan na naghahangad magkaroon ng hanap-buhay.

Personal naman itong binisita ng walang kapagurang alkalde ng lungsod na si Mayor Jeannie Sandoval kung saan kinumusta niya ang bawat aplikante at binigyan ng pagbati ng lakas ng loob para sa kanilang makukuhang trabaho. (Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply