Tarlac City PNP itinangging may kidnapping, iba pang krimeng nagaganap sa lungsod

Tarlac City PNP itinangging may kidnapping, iba pang krimeng nagaganap sa lungsod

MANILA — Naglabas ng official statement ang Philippine National Police (PNP) ng Tarlac City at hayagan nitong itinanggi na mayroong mga kidnapping at iba pang krimen na nagaganap taliwas sa mga kumakalat sa social media at iba pang platform.

“Wala pong ulat na natatanggap ang Tarlac City PNP hinggil sa mga kidnapping at iba pang krimen dito sa Tarlac City, taliwas sa mga kumakalat na text messages at videos ng mga ito sa social media,” ayon sa pinalabas na statement ng Tarlac PNP.

Idinagdag pa nito na “aktibo po ang Tarlac City PNP sa pagtitiyak ng kaligtasan at seguridad sa ating siyudad.”

“Hinihiling (po namin) na maging mapanuri tayo sa mga natatanggap at mga ikinakalat na mga balita at patuloy na mag-iingat as lahat ng oras,” dagdag pa ng Tarlac PNP.

Sakali mang may emergency, maaaring kontakin 24/7 ang Tarlac City PNP sa mobile number 0998-5988494 para sa anumang krimen o police assistance, wika pa ng kapulisan ng Tarlac. (ai/mtvn)

Leave a Reply