Presyo ng asukal sa mga tindahan mataas pa rin

Presyo ng asukal sa mga tindahan mataas pa rin

Isang solidong ebidensiya na mataas pa rin ang presyo ng asukal sa mga sari-sari stores ang ipinakita ng isang may-ari ng tindahang nasa larawan sa Barangay Ugong, Valenzuela City kung saan ang presyo aniya ng 1/4 kilo na puting asukal na ibinebenta nila ay nagkakahalaga ng ₱27 sa ngayon na ayon pa sa tindera ay dating ₱16 lamang.

Kung kaya maging siya ay napapailing na lamang sa presyo ng bilihin ngayon dahil tumaas lalo na kung ginagamitan ng asukal, na kung susuriin naman ay hindi sana magkakaganyan kung hindi talamak ang taguan ng stock o hoarding.

Kahapon lamang ay may nabistong warehouse sa Quezon City ang mga tauhan ng Bureau of Customs at Armed Forces of the Philippines na naglalaman ng 57,000 sako ng asukal na may halagang ₱284 milyon na inangkat diumano sa bansang Thailand. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply