MUNTINLUPA CITY NAGLULUKSA SA PAGKAKAPASLANG KAY LT. SAMSOM SA MAGUINDANAO AMBUSH

MUNTINLUPA CITY NAGLULUKSA SA PAGKAKAPASLANG KAY LT. SAMSOM SA MAGUINDANAO AMBUSH

Ni Arwen Pascua

Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon (AFT photo courtesy)

MANILA — Kinondena ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon ang walang saysay na pagkakapaslang ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters kay Lt. Reynaldo Samson, ang chief of police ng Ampatuan Municipal Police sa  Maguindanao nitong Agosto 30, 2022.

Hindi lang si Biazon ang nalulungkot kundi ang buong lungsod dahil si Samson ay nagtapos sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) at nagsilbing faculty member ng College of Arts and Sciences at president ng MPC-PLMun Alumni Association.

“Lt. Reynaldo Samson shows an Outstanding PNP Personnel award he received as deputy chief of Parang Municipal Police Station last year,” ayon pa sa pahayag ng lungsod.

Si Samson at ang kanyang driver/security na si Cpl. Salapuddin Endab ay namatay nang pagbabarilin umano ng Moro extremists habang magsisilbi sana ng warrant of arrest.

Bukod kina Samson at Endab sugatan din ang tatlong pulis na convoy ng police official.

“Mariin kong kinokondena  ang walang saysay na pagpatay sa ating kapwa Muntinlupeño na si Police Lieutenant (PLT) Reynaldo Samson, ayon kay Biazon.

Si Samson ay dating scholar ng tanggapan ni Biazon noong ito ay kongresista pa ng lungsod. (ai/mtvn)

Leave a Reply