2 naarestong drug suspect nag-‘OPM’ na magbabago na ‘pag lumaya sa kulungan

2 naarestong drug suspect nag-‘OPM’ na magbabago na ‘pag lumaya sa kulungan

Arestado ang dalawang suspect na sina Alfie A. Diano at Robleso Q. Prado ng Station Drug Enforcement Unit Project 6 Police Station 15 matapos ang isang buy-bust operation na isinagawa sa Alloy St. Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City kagabi.

Wala nang nagawa ang mga suspect kundi tanggapin ang kanilang pagkakamali at nabanggit na kapag nakalabas daw sila sa pagkakakulong ay magbabago na sila.

Nabanggit ng isa sa suspect na nakulong na s’ya dati sa kasong robbery at ngayon ay sa iligal na droga na aminadong gumagamit umano daw sila.

Nakuha sa mga suspect ang dalawang plastic sachet na hinihinalang droga at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, R.A. No 9165.
(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply