Human milk bank pasteurizer ng Maynila pinasinayaan

Human milk bank pasteurizer ng Maynila pinasinayaan

Pinasinayaan ng Justice Jose Abad Santos General Hospital noong Biyernes, 02 September 2022, ang human milk bank pasteurizer (HMBP) na ipinagkaloob ng Rotary International, Rotary Club of Chinatown Manila, at mga Rotary clubs mula sa iba’t ibang bansa.

Pinangunahan nina Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, MD, FPDS, at Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang pagpapasinaya sa HMBP at nagbigay sila ng kani-kanilang inspirational messages.

Nagbigay rin ng kanilang mensahe sina Dr. Merle D. Sacdalan-Faustino, OIC-Hospital Director ng JJASGH, at Dr. Rosita O. Yu, head ng JJASGH Human Milk Bank Unit.

Sa kasalukuyan, 1,600 babies na ang nasagip mula sa malnutrisyon dahil sa pagbibigay ng Milk Bank ng gatas sa mga ito.

“Congratulations po, JJASGH Human Milk Bank Unit, sa inyong masigasig na paglilingkod at mahusay na paggamit sa mga ipinagkaloob sa atin ng Rotary International, Rotary Club of Chinatown Manila at mga Rotary Clubs sa buong mundo. Maraming salamat po sa lahat ng nagtulung-tulong upang maibigay sa mga Batang Maynila ang mga kagamitan ng Human Milk Bank na sa kasalukuyan ay ating nagagamit upang magligtas ng maraming buhay,” wika ni Mayor Lacuna sa kanyang mensahe.

“Lagi po nating tandaan, breastfeeding and breastmilk is still best for babies up to 6 months and beyond. Mabuhay po ang adbokasiya ng breastfeeding na isinisiwalat natin sa pamamagitan ng JJASGH Human Milk Bank.”

(Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply