‘Buhay rider, buhay peligroso kapag may ulan’

‘Buhay rider, buhay peligroso kapag may ulan’

Buhay rider, buhay peligroso lalo na kung may pag-ulan gaya ng nasa larawan dito kaya’t todo kapote sila habang binabaybay ang kahabaan ng G. Angeles Road, sa Valenzuela City. Balot na balot din maging ang mga karga nila at back ride upang hindi mabasa ng ulan.

Bagama’t papalabas na ng bansa ang bagyong ‘Henry’ ayon sa PAGASA, asahan pa rin umano ang pabugso-bugsong pagbuhos ng ulan dulot nito na inaasahan rin ng mga motorcycle riders.

Ayon sa isang motorcycle rider, dapat maging maingat dahil madulas ang kalsada, baha at lubak-lubak ang daan at delikado

Gayon pa man, para sa kanya napaka-convenient ngayon na source of transportation ang motorcycles kaya’t tinatangkilik pa rin ito ‘kumpara sa mga kotse. Tripleng ingat nga lang sabi pa nito. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply