Kakaibang ‘bike to bike’ stunt

Kakaibang ‘bike to bike’ stunt

Nagmistulang pambihirang back-to-back bike to bike stunt ang ginawa ng mamang rider na ito maisakay lamang ang kanyang biniling electrict bike na naispatan ng MTVN nitong Martes (05 Sept 2022) sa kahabaan ng National Road, Alabang, Muntinlupa City.

Ngayong panahon na napakamahal ng gasolina, napakahalaga ang mayroong alternatibong transportasyon gaya ng mga motorsiklo na nagagamit na pang-deliver ng mga gadgets, appliances, mga pagkain at pati ang tulad nitong mini motorcycle na pilit pinagkasya sa likod ng rider.

Malaking tulong din ito para makaiwas sa bigat ng trapiko sa daan pero may kaakibat ding peligro ito kung hindi sasamahan ng pag-iingat.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply