Mga benepisyaryo ng Malabon SLP nagpasalamat sa LGU

Mga benepisyaryo ng Malabon SLP nagpasalamat sa LGU

Sinamahan at kinumusta ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development sa Barangay Tonsuya Covered Court.

Sobrang pasalamat at kagalakan ang ipinaabot ng lahat ng mga nakinabang na benepisyaryo sa SLP na inilunsad ng DSWD sa pakikipagtulungan ng Malabon LGU.

Suportado ng pamahalaang lokal ng Malabon ang mga livelihood projects upang tuluyang maiahon ng mga maliliit na pamilya ang kanilang kabuhayan at kalagayan.

(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply