Dermalog: ‘Nasa LTO ang problema!’

Dermalog: ‘Nasa LTO ang problema!’

Matamang nakikinig lamang si Atty. Toto Ylagan habang nagpapaliwanag si Dermalog spokesperson Atty. Nikki De Vega sa press conference na ipinatawag ng kompanya kung saan dumalo rin sina Dermalog MVS Proj. Manager Mr. Anjo Nuestro, Dermalog JV Rep. Mr. Voltaire Encarnado (left to right).

MANILA — Ito ang marahas na sinabi ng spokesperson ng Dermalog na si Atty. Nikki De Vega sa kasalukuyang problema ng madalas na offline ang Land Transportation Office sanhi umano sa dami ng computer na nagdudulot ng traffic sa kanilang mga tanggapan.

Pinabulaanan din ng Dermalog spoksperson na wala sa kanila ang problema sa kinakaharap na paghihirap ng mga Pilipinong lumalapit sa mga sangay ng LTO na madalas na inaanunsiyo ang palagiang pag-offline ng serbisyo.

Ayon sa mga imbestigasyon ng ginagawa ng Dermalog, ay nakita diumano nila ang problema na nasa LTO regional offices mismo nanggagaling ang mga malwares at mariing pinabulaanan nito na hindi sa kanilang tanggapan nagmumula ang mga problemang kinakaharap ng LTO.

“Nasa iisang gusali lamang ang aming tanggapan at hindi mahirap hanapin! Ano ang mga humahadlang sa Tanggapan ng LTO at bakit ayaw nilang humarap, “ dugtong pa Atty. De Vega.

(Benjamin Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply