‘Instant waterfalls’ mula sa busted pipe ng Maynilad

‘Instant waterfalls’ mula sa busted pipe ng Maynilad

Nagmistulang instant waterfalls ang nabuo mula sa tumagas na tubig sa malaking tubong ito ng Maynilad na sumambulat sa Labis bridge, Alabang Muntinlupa City kaninang umaga (September 7, 2022).

Ayon sa isang residente rito, alas-4:00 ng hapon pa raw ito kahapon nangyari at naitawag na raw sa Maynilad ngunit hanggang ngayon ay naghihintay pa rin silang maayos ang tubo sayang daw kasi ang tubig na bumubulwak rito.

Sabi naman ng isang rider na napadaan bakit daw umabot pa kinabukasan na wala pa ring mga tauhan ng Maynilad na umaaksyon para ayusin ito.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply