‘BAD INFLUENCE’? TALPAKAN ‘BLESSING’ SA MGA PINOY

‘BAD INFLUENCE’? TALPAKAN ‘BLESSING’ SA MGA PINOY

Masama nga ba ang epekto ng online cockfighting o eSabong sa mga Pinoy?

Ito ang binigyang linaw ni Ako Bisaya Representative Sonny Lagon nang depensahan niya ang eSabong laban sa mga nagsasabing bad influence ito sa lipunang Filipino.

Iginiit ng kongresista na dapat pag-aralan nang maigi ang industriya ng eSabong at bigyan muli ito ng pagkakataóng mag-operate dahil maraming Pinoy ang nabibigyang trabaho nito.

“We should not demonize the regulation of eSabong; instead, let’s give our fellow Filipinos in the cockfighting industry the chance to get back on their feet,” diin ni Lagon.

“I remain in favor of online cockfighting for the simple reason that it helps a lot of people. When properly regulated, it is not the work of the devil; rather it is a usual source of livelihood for poor Filipinos,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Lagon may mga responsableng eSabong operators naman tulad ng Pitmaster Foundation sa ilalim ng United Association of Cockpit Owners and Operators of the Philippines.

Kaya ipinagtataka ng kongresista kung bakit pilit ipinapalabas na masama ang dulot ng eSabong.

“In the end, these are individuals who know their civic responsibility and have genuine care for their countrymen,” aniya.

“A lot of people connected to these industries have soldiered on despite receiving next to no amelioration. It’s time for us to lend a hand,” diin pa ni Lagon.

Samantala, sinabi naman ng kongresista na pabor ang House of Representatives na bigyan muli ng prangkisa ang eSabong dahil malaki ang ambag nito sa ekonomiya ng bansa.

“The truth is, the majority of the 300-strong House of Representatives favor giving a franchise to e-sabong because we know that it will help a lot of our countrymen during these trying times,” aniya.

Ayon sa Nagkakaisang Samahan ng Game Fowl Feed Millers at Agri-vet Suppliers, P19 billion ng kanilang industriya ang napilay dahil sa suspensiyon ng eSabong.

Sa panig ng United Association of Cockpit Owners and Operators of the Philippines, mahigit sa 1.5 million ang pinagsamang bilang ng full-time at part-time employees sa cockpit operation.

Sa allied farm industry naman gaya ng feed millers at agricultural veterinary suppliers, may 265,000 na employed.

Ayon sa PAGCOR, nasa 8 to 10 porsiyentong kabuoang kíta ng korporasyon noon ang nangagaling sa eSabong na umabot sa P2.70 bilyon sa unang anim na buwan ng 2022. Nakapagbibigay ito ng P640 milyon kada buwan noong 2022.

Samantala, nasa P5 bilyon ang tinatayang dapat kitain ng PAGCOR sa eSabong sa taong 2022 ngunit ipinatigil ito ng gobyerno.

September 2022
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Leave a Reply