Reckless truck driver ‘wanted’ sa mga otoridad ng Valenzuela City

Reckless truck driver ‘wanted’ sa mga otoridad ng Valenzuela City

Itinuturo ni Valenzuela traffic enforcer Reynaldo David kaninang umaga (Linggo, 11 September 2022) ang posteng nabuwal sa gitna ng kalsadang ito habang nakaantabay siya sa mga nagdaraang sasakyan sa Que Balag Street Barangay Ugong, Valenzuela City.

Ayon kay David, may dumaang malaking truck kagabi sa naturang lugar at sumabit ang kable ng kuryente sa ibabaw ng truck kaya nabuwal ang posteng ito.

Agad naman umanong itinawag ito ng barangay sa pamunuan ng Meralco upang gawan agad na karampatang aksyon dahil nakakasagabal ang poste sa daan bukod pa sa peligrosong may makuryenteng nagdaraang mamamayan at motorista.

Nahaharap naman ang driver ng truck sa kasong reckless driving, ayon sa mga otoridad na kasalukuyan nang nirerebisa ang kuha sa closed circuit television (CCTV) ng lungsod upang matukoy ito.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply