East Service Road ng Bicutan, Taguig City nagmistulang parking lot dahil sa tindi ng trapiko

East Service Road ng Bicutan, Taguig City nagmistulang parking lot dahil sa tindi ng trapiko

Nagmistulang parking lot ng mga sasakyan at motorsiklo ang bahaging ito ng East Service Road sa Bicutan, Taguig City kaninang umaga (September 14, 2022) sa sobrang bigat ng traffic na usad-pagong ang galaw ng mga sasakyan.

Wala nang nagawa ang mga motorista at mga pasaherong papasok sa kanilang trabaho at eskwela kundi umiling-iling na lamang sa bigat ng daloy ng trapiko.

Sabi ng isang rider na madalas dumaan, madalas daw talaga ang trapik dito pero kakaiba ang araw na ito (Miyerkules) dahil ang isa pang nasirang sasakyan ay humarang pa sa daan na dumagdag pa sa bigat ng trapiko.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply