PBBM naniniwalang mananatiling loyal sa kanya si JPE

PBBM naniniwalang mananatiling loyal sa kanya si JPE

Ni Liezelle Soriano

Juan Ponce Enrile (kanan) at President Bongbong Marcos (ABS-CB News courtesy)

MANILA — Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang kanyang legal counsel na si Juan Ponce Enrile ay mannatiling loyal sa kanya at hindi kailan man magtatanggal ng suporta sa kanyang liderato tulad ng ginawa ng huli sa kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., noong 1986.

“I don’t see any reason for him to betray me. The times are just too different for us to be able to say that you know babalik siya sa ganoon. And also you see, time of life na rin niya eh,” ani Marcos.

Sinabi ni Marcos na dati niyang tinanong si Enrile tungkol sa kanyang relasyon sa kanyang ama at napagpasyahan na ang mga nakaraang aksyon ng huli ay nagmula sa kanyang pagnanais na “ipagtanggol ang bansa.”

“It didn’t seem to be an attack really on my father because also I was privy to their conversations noong nandoon siya Crame na — ako ang may hawak ng telepono nung dad ko eh, so naririnig ko lahat ng usapan nila,” ani Marcos.

“So hindi ganoon talaga na, ‘Hindi kayo — kayo pababagsakin namin kayo.’ Hindi ganoon eh. Hindi ganoon. Hindi ganoon ang pagkatrato niya. I think he felt that he was really defending the country in some way,” dagdag niya.

Inilarawan niya si Enrile bilang “isa sa tatlong pinakamahusay na abogado” na nakilala niya sa bansa, kung saan binanggit ang kanyang katalinuhan bilang pangunahing dahilan sa paghirang sa kanya bilang kanyang punong legal na tagapayo. (ai/mtvn)

Leave a Reply