‘PESO On The Road,’ nasa barangay na

‘PESO On The Road,’ nasa barangay na

Ni Benjie Cuaresma

MANILA — Ang Public Employment Service Office ( PESO ) On The Road’ ay nasa mga barangay na sa lungsod na ito.

Ginawa ito ng kagawaran upang hindi na lumayo pa ang mga Manileno na nagnanais na makakuha ng trabaho.

Ngayong araw, Miyerkules, ay ginanap ang PESO on the ROAD sa District 3 sa isang covered court sa Barangay 378 Oroquieta Rd., Sta. Cruz, Manila.

Ang mga bakanteng trabaho ay kinabibilangan ng Warehouse Specialist, QA Supervisors, Warehouse Supervisors, at Imports
Documentation Staffs.

Matatandaan na ito ay inilunsad upang matulungan ang mga nangangailangan ng trabaho na naapektuhan ng pandemic.

PInapayuhan ng PESO na magdala lamang ng mga kaukulang dokumento ang lahat ng mga mag-a-apply. Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang ang Facebook page: Public Employment Service Office (PESO ) City of Manila. (ai/mtvn)

Leave a Reply