‘Sa hirap makasakay, pati babae nakisabit na rin sa jeepney’

‘Sa hirap makasakay, pati babae nakisabit na rin sa jeepney’

Kahit babae ay napilitan na ring sumabit sa pampasaherong jeepney na ito na napitikan ng Maharlika TV News sa kahabaan ng East Service Road, Taguig City nitong Miyerkules, 14 September 2022 at hindi alintana ang peligro na baka makabitaw ito basta makauwi lamang. 

Ang jeepney driver naman ay tila “deadma” rin lang sa mga nakasabit sa kanyang

pinapasadang jeep kahit may pataw na multa sa kanyang paglabag sa 

Republic Act No  4136, Sec. 51, Hitching to a Vehicle. 

Isinasaad rito na bawal talaga ang sabit sa jeep pero bakit hanggang ngayon ay marami pa ring sumasabit. Sabi ng isang mananakay, dahil sa hirap makasakay sasabit talaga ang iba makauwi lang o makapasok ng maaga nang ‘di ma-late. 

(Photo by Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply