Malabon Mayor Jeannie Sandoval nagsilbing panauhing pandangal sa closing ceremony ng criminal investigation course ng PNP

Malabon Mayor Jeannie Sandoval nagsilbing panauhing pandangal sa closing ceremony ng criminal investigation course ng PNP

Nagsilbing panauhing pandangal si Malabon Mayor Jeannie Sandoval sa closing ceremony nitong Huwebes (15 Sept. 2022) ng Criminal Investigation Course Class 09-2022-National Capital Region na ginanap sa Costiera Garden Resort, Barangay Dampalit, Malabon City.

Maliban sa alkalde, dumalo rin ang ilang matataas na opisyal ng kapulisan ng lungsod na sina Chief of Police Albert Barot, Acting District Director Ponce Rogelio
Peñones, Police Captain Mario Solongon, Police Major Joy Datul, PCOL
Julius Guadamor at Police Major Patrick Alvarado.

Binati ng alkalde ang lahat ng kapulisan na nagtapos sa naturang kurso at pinayuhan niya ang mga ito na maging katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng mga komunidad.

(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply