Mga empleyado ng Muntinlupa City Hall sumailalim ng mahalagang ‘Examining Gender’ lecture

Mga empleyado ng Muntinlupa City Hall sumailalim ng mahalagang ‘Examining Gender’ lecture

Nagbigay ng lecture si University of the Philippines Center for Women and Studies Director Nathalie Lourdes Africa-Verceles ngayong araw, Huwebes (15 Sept. 2022), sa mga kawani ng bawat departamento ng Muntinlupa City Hall tungkol sa ‘Gender Sensitivity Training for the Muntinlupa City GAD Focal Point’.

Sumentro ang mahalagang lecture ni Verceles sa topic na ‘Examining Gender’ na tumutukoy sa sensitibong pagkakakilanlan at malalim na pag-aaral sa kasarian ng isang indibidwal hindi base sa pansariling paghuhusga o nakagawian.

Naibahagi rin ni Verceles na may batas para sa Gender and Development (GAD), ang R.A. 9710, ang Magna Carta for Women para sa equal rights ng mga kababaihan sa lipunan.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply