Rider nailigtas sa kapahamakan sa mabilis na pagresponde ng MMDA

Rider nailigtas sa kapahamakan sa mabilis na pagresponde ng MMDA

Mabuti na lang at mabilis ang pagresponde ng traffic enforcer na si Raymond P. Serra ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at dumating agad ang ambulansiya ng Road Emergency Group ng ahensiya at nasaklolohan ng mga rescuers ang rider na si Jerry Ken F. Calambas (28).

Aksidenteng sumabit diumano ang motorsiklong Yamaha Sniper 446 UKF ng biktima sa itim na kotseng Toyota (NGO 2938) sa South bound Flyover, Bagong Silang, Pasig City nitong umaga ng Biyernes (September 16, 2022).

Ayon sa driver ng kotse, bigla na lamang kumalabog ang unahang bahaging gilid ng gulong sa kanan ng kanyang kotse at nakita na lamang n’ya ang rider na humandusay.

Aminado naman ang driver na napakabig siya pakanan ng mga sandaling iyon at may pag-aalala sa sinapit ng rider na agarang isinugod sa malapit na hospital ng Pasig matapos mabigyan ng paunang lunas ng mga MMDA rescuers.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply