Tanong ng mga motorista ng Taguig: ‘May paraan kaya ang Taguig City gov’t na solusyunan ang mabigat na trapiko sa East Service Road ng lungsod?’

Tanong ng mga motorista ng Taguig: ‘May paraan kaya ang Taguig City gov’t na solusyunan ang mabigat na trapiko sa East Service Road ng lungsod?’

Nagmistulang daloy ng ilog sa sobrang dami ng motorsiklo at mga sasakyang nasadlak sa mabigat na trapiko sa bahaging ito ng East Service Road (ESR), Taguig City na napitikan ng Maharlika TV News roving lensman noong gabi ng Biyernes.

Dahil usad-pagong ang daloy ng trapiko, sabi ng isang rider, sanay na raw sila sa bigat ng trapiko sa naturang lugar dahil wala naman daw silang ibang alternate route kundi sa ESR lamang.

Ang tanong naman ng ibang mga motorista rito ay kung may paraan pa kaya na masolusyunan ng Taguig city government na mawala ang traffic rito dahil laking abala at perwisyo sa kanila at epekto nito sa ekonomiya.

Sabi naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ₱3 bilyon kada-araw ang nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa traffic.

Idinagdag pa ng presidente ng Integrated Development Studies Institute na si George Siy, ang tapon na fuel sa trapiko ay nagiging sanhi din ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil tumataas ang gastos ng mga kumpanya sa transportation, negosyante’t mangangalakal. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply