Bagong fare matrix inilabas ng LTFRB, better service hangad ng commuters

Bagong fare matrix inilabas ng LTFRB, better service hangad ng commuters

Inilabas na ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang fare adjustments sa public transport. Ito ay magiging epektibo 15 days pagkatapos na mailathala ang desisyon ng LTFRB sa newspapers “of general circulation.”

Magandang balita ito sa public transport dahil matagal na nagkaroon ng increase ang pasahe. Binase ng LTFRB ang desisyon sa mga prevailing economic indicators at umiiral na mga memorandum circulars.

Nagkaroon din ng due process dahil extensive ang hearing na ginawa ng Board upang marinig ang panig ng lahat.

Bagamat may increase ay hindi naman ibinigay ng LTFRB ang halaga na hiningi ng mga transport operators. Mas malaki ang kahilingan nila kaysa sa ipinagkaloob. Ibig sabihin ay kinunsidera rin ng LTFRB ang kakayanan at kapakanan ng mga pasahero na siyang magpapasan ng adjustments.

Pero tulad ng aking sinabi sa mga pagdinig ng LTFRB dapat may katumbas na better services para sa mga pasahero – mas convenient at ligtas na pagkalakbay; mas mabilis makasasakay; at mabawasan ang matagal na paghihintay ng mga pasahero; mas marami ang units na bumiyahe para mas maraming masasakyan; at mas kikita ng sapat ang mga drayber upang guminhawa ang kanilang pamamasada.

Dahil dito ay dapat na rin pag-aralan ang pagtaas ng minimum wage ng mga mangagawa para maisalba nila ang taas pasahe.

Sa ngayon ay nakikita natin na maraming polisiya ang pamahalaan ni Presidente Bongbong Marcos na pro-transport. Exemption sa coding ng MMDA, adjustment sa pasahe, pagbabalik ng nga dating ruta.

So far so good. Maraming salamat po, LTFRB.

(Para sa may mga puna at suhestiyon, sumulat lamang kay Atty. Ariel Inton, President, Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) o dili kaya ay tumawag o mag-text sa 09178174748.)

Leave a Reply